Free Hosting : Drug Rehab : Free Web Hosting : Best Credit Cards  

 

Name: Miguel Carpio Malvar

Address: Barrio San Miguel, Santo Tomas, Batangas

Birthdate: 27 September 1865

Gender: Male

Civil Status: Married

Educational attainments:

Malaban School in Tanauan

Three years in secondary school

Finished second year of latinidad in Bawang

Studied farming and business

Qualifications:

Gobernadorcillo of Santo Tomas, 1890

Liberated Tayabas from Spanish control

Formed his own group called Batangas Brigade

Participated in the Battle for Talisay with Aguinaldos men, late September 1896

Appointed as Lieutenant General by Aguinaldo, 31 March 1897

Division general and chief of the second zone of operations (Southern Tagalog), 15 June 1898

Confederated with Sebastian Caneo, of the Colorum, and bandit, Aniceto Oruga

Took over Aguinaldo's position, March 1901

Proclaimed himself commander of all "Liberating Forces," 13 July 1901

Fought against towns held by the Americans in Batangas, December 1901

 

Ipaglalaban karapatan ninyo,

Laban sa mga dayuhan o kahit kanino,

Si Miguel Malvar ay hundi sumusuko!

Para sa Presidente siya ang iboto!

Si Miguel Malvar ay ipinanganak noong ika-27 ng Setyembre 1865 sa Sto. Tomas, Batangas. Siya ay isa sa mga heneral na kasama ni Emilio Aguinaldo noong digmaang Kastila at Amerikano. Siya ang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano.

Sa buong buhay ni Miguel Malvar ipinakita niya ang pagmamahal sa bayang kaniyang kinagisnan at kamuhian sa karahasan at kalupitan ng mga dayuhang mapagsamantala.

Noong siya'y gobernadorcillo ng bayang Sto. Tomas, Batangas, kinalaban niya ang mga Kastilang prayle dahil sa pagmamaltrato sa mamamayan. Dahil sa walang awang pagpaslang sa kaniyang kababayan, siya ay bumuo ng sarili niyang hukbo na tumulong kay Emilio Aguinaldo upang tumuligsa laban sa mga Kastila. Ito ang simula ng kaniyang misyong pangkapayapaan para sa buong Pilipinas. Hinirang siya bilang Tagapayo ni Emilio Aguinaldo sa mga bagay na pangmilitar. Hinirang rin siyang heneral ng Kampanya sa ika-limang sona, sa Timog Luson.

Malaki ang kaniyang naitulong sa pagpapaalis sa mga dayuhang Kastila. Ngunit pansamantalang umalis si Malvar patungong Hong Kong para tuparin ang negosasyon sa Biak-na-Bato.

Sa kaniyang pagbalik ay nakipaglaban siya, ngunit ngayon laban naman sa mga Amerikano. Kahit na nadakip na si Emilio Aguinaldo ay ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang laban. Marami na sa kaniyang mga sundalo ang humiwalay dahil hindi na nila nakita ang magandang kinabukasan na kanilang pinaglalaban. Hindi nawalan ng pag-asa si Miguel Malvar, hindi siya sumuko sa puwersang Amerikano.

Sa ating bansa ngayon ay kailangan natin ng isang taong may kakayahang ipaglaban ang kaniyang mga paniniwala ukol sa ikabubuti ng buong bayan. Hindi siya natatakot na ipahayag ang kaniyang mga iniisip at adhikain. Handa niyang harapin ang lahat ng mga hadlang sa demokrasya at kung kinakailangan, kakalabanin ang mga tumutuligsa nito. Sisikapin niya na maiayos ang kaguluhang nangyayari sa Mindanao. Nakikita niya ang pangangailangan na gawan ito ng solusyon sa lalong madaling panahon. Siya rin ay may kaalaman sapat na maiahon ang Pilipinas sa pang ekonomiyang krisis. Gagawin niya ang lahat para sa ikauunlad ng buong bayan.

Sa panahon ng krisis at kaguluhan,

si Miguel Malvar ang maaasahan!

Sa ngalan ng kapayapaan at kaunlaran,

si Miguel Malvar ay nandiyan!

Sa pagka-Presidente,

Si Miguel Malvar ang iboto!

 

 

21 Setyembre 2000

 

Ginoong Miguel Malvar:

Ngayon, ang Pilipinas ay sukluban ng malaya, walang sinumang kumikitil ng ating mga aksyon at isipan. Ito'y hindi maaari kung hindi dahil sa katapangan at pursigidong pagtatakwil ng mga Pilipinong humarap sa mga dayuhang umaaangkin sa ating Lupang Hinirang.

Taus puso akong nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ating Inang Bayan. Kayo po, na siyang nagtiyaga upang maangkin muli ang kung ano'y sariling atin; na siyang lumaban na hindi nagdalawang isip man lang sa paglalaan ng kaniyang buhay sa digmaan laban sa mga Kastila at Amerikano; na siyang hindi nawalan ng pagasa na maaari pa rin nating makamtan ang kasarinlan kahit na marami nang sumuko; kayo po, ay karapat dapat lamang na hirangin bilang isang Pilipinong tunay sa inyong kabayanihan.

Madali ang sabihin na hindi na kayang lumaban ng isang tao dahil sa kahirapan, ngunit, ang inyo pong pagpatuloy na digmaan, ang tiyaga at hindi pagsuko sa pagtatanggol ng bayang kaniyang kinagisnan laban sa mapagsamantalang mga dayuhan kahit na ang nakararami ay nawalan na ng pagasa, ay matuturing na isang kadakilaan. Ang lahat po ng ito ay siyang dahilan kung bakit kami naririto ngayon sa aming kinatatayuan. Utang po namin sa inyo ang kalayaang ngayo'y nasasaamin.

Maraming salamat po.

 

Lubos na gumagalang,

Athena Aenea Santos